Testing para sa National ID System, sisimulan na ngayong buwan

Manila, Philippines – Isasagawa na ngayong buwan ang testing para sa Philippine Identification System (PhilSys) Act.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Lisa Grace Bersales – partikular na gagawin ngayong buwan ay ang ‘proof of concept’.

Ang ‘proof of concept’ ay makatutulong sa information technology department na nakatutok sa PhilSys na malaman ang mga kinakailangang adjustments sa design na ipo-procure sa Mayo o Hunyo.


Sa Setyembre naman ang full implementation ng PhilSys.

Katuwang ng PSA ang Philippine Postal Corp. sa proof of concept.

Target ng PSA na makapag-enroll ng nasa limang milyong individual sa National ID sa unang kwarter ng taon.

Ipaprayoridad ang mga benepisyaryo ng unconditional cash transfer ng DSWD, indigenous people at mga senior citizen.

Facebook Comments