PACC Commisioner Greco Belgica, iginiit na hindi dapat gawing blind item ang mga kongresistang sangkot umano sa kurapsyon

Iginiit ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na hindi niya tatanggapin ang hamon ng isang kongresista na pangalanan ang mga mambabatas na sangkot umano sa kurapsyon.

Ito ay kasunod ng pahayag ni House Committee on Public Accounts Chairperson Mike Defensor na pangalanan ni Belgica ang mga kongresistang nakikipag-kuntsaba sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga umano’y iligal na gawain.

Ayon kay Belgica, matagal na silang nag-iimbestiga sa kagawaran at ayaw niyang gawing blind item ang kanilang imbestigasyon o ibunyag ang pangalan ng mga sinasabing kongresista dahil maaari itong magdulot ng kompromiso sa gagawing inquiry.


Matatandaang noong Biyernes ay ibinunyag ni Belgica na ilang miyembro ng kamara ang umanoy binu-bully ang ilang district engineers at nakikipag-kuntsaba sa mga kapwa kongresista, contractors at engineers.

Facebook Comments