PACC, hihintayin muna ang pinal na report ng COA bago ang posibleng pagsasampa ng kaso sa iba’t ibang ahensiya

Hihintayin muna ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang final report ng Commision on Audit (COA) kaugnay sa isyu ng paggastos ng pondo ng Department of Health (DOH).

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na posible pa kasing mabago ang resulta ng imbestigasyon ng COA hangga’t wala pang nagiging sagot ang mga ahensiyang kanilang nasita.

Matatandaang iba’t ibang ahensiya ang nasita ng COA kabilang na ang DOH at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kaugnay naman sa pagbibigay ng ayuda.


Bukod diyan, nasilip din ng COA ang Land Transportation Office (LTO) matapos na umabot sa 8.1 million ang plaka ng motorsiklo na hindi nai-deliver hanggang noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng ₱2.159 billion.

Facebook Comments