PACC, iginiit na hindi malinaw sa batas kung magkano ang regalo ang pwedeng tanggapin ng mga kawani ng gobyerno

Hindi malinaw sa batas kung ano o magkano ang regalo ang pinapayagang tanggapin ng mga kawani ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica, hindi klaro ito sa ilalim ng batas kahit ang 100,000 pesos ay maaaring maituringt na maliit depende sa mga tumatanggap ng regalo.

Sinabi naman ni Civil Service Commissioner Aileen Lizada, ang office of the ombudsman ang dapat magpalabas ng alituntunin tungkol dito.


Pero hindi dapat tumatanggap ng regalo ang sinuman na nasa gobyerno.

Sa ilalim ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards ng mga nasa gobyerno, hindi kasama sa mga ipinagbabawal ang mga solicited na regalo na may nominal o insignificant value at hindi ibinigay kapalit ng pabor o serbisyo mula sa mga kawani o opisyal ng gobyerno.

Ang pagtukoy sa regalo na may nominal value ay depende sa sirkumstansya ng bawat kaso at depende sa sweldo ng opisyal at empleyado.

Facebook Comments