Malacañan, tiniyak na maayos ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Tiniyak ng Malacañan na maayos ang lagay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y sa kabila ng halos isang Linggong hindi paglabas sa publiko ng pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, abala lamang ang pangulo sa pagbabasa ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan.


Marami ring dinaluhan ang pangulo na pribadong meetings.

Wala rin dapat ipag-alala sa kalusugan ng pangulo dahil nagawa pa nito na mag-motor habang nasa Davao.

Facebook Comments