PACC, naaksyunan ang halos 4,000 na reklamo hinggil sa pamamahagi ng SAP; mas kakaunting reklamo dahil sa ipinatupad na e-payment, naitala

Kinumpirma ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na halos 4,000 ang mga naaksyunan ng reklamo laban sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PACC Commisioner Greco Belgica na may kabuuang 3,992 complaints ang natanggap ng kanilang komisyon ukol sa cash aid program.

Nasa 90% dito ay na-endorse na sa kaukulang ahensya.


Dagdag pa niya, gusto muli mabuhay ni Belgica ang dating isinusulong ng PACC na maituturing na heinous crime ang korapsyon at dapat may parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection.

Samantala, iginiit din ni Commissioner Belgica na kakaunti na lang ang mga natanggap nilang reklamo sa ikalawang bugso ng SAP dahil sa ipinatupad nitong via electronic payment.

Matatandaang nagsimula ang pamamahagi ng second tranche noong June 17, 2020.

Sa ngayon, umabot lang sa 8,405,298 low-income na pamilya ang nabigyan ng ikalawang bugso ng ayuda ng gobyerno na nagkakahalaga ng P55.1 bilyon.

Facebook Comments