Bilang pagtugon sa mga biktima ng lindol sa Mindanao, namigay ng mga construction materials ang Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.
Mismong si PACC Commissioner Greco Belgica ang nagbigay nito sa kaniyang pagbisita sa Davao.
Unang hiniling ng ilang mga nabiktima ng lindol na mabigyan sana sila ng mga gamit para maiayos ang kanilang bahay para hindi na rin makipag-siksikan pa sa mga evacuation area.
Nabatid kasi na ang iba sa mga evacuees ay maaari nang makabalik sa kanilang lugar matapos masigurong wala itong masiyadong pinsala.
Ayon pa kay Belgica, inihahanda na ng pamahalaan ang pangmatagalang solusyon at lilipatan ng mga kababayan nating nilindol, pero habang inaantay raw ito ay nakahanda ang PACC na tumulong para mailipat sila sa mas magandang katayuan at maialis sa mga tents at temporary shelters.
Kinausap na rin ni Belgica ang DPWH para tulungan ang LGU’s at makatulong maibsan ang kalagayan ng mga nabiktima ng lindol.