PACC, pinasasampahan ng kaso ang labindalawang opisyal ng NHA kaugnay Ng Yolanda housing project

Inirekumenda ng Presidential Anti-Corruption Commission  sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban labing dalawang opisyal ng National Housing Authority dahil sinasabing maanomalyang Yolanda Permanent Housing Program.

 

Batay sa rekomendasyon ng PACC, reklamong kriminal at administratibo ang nais maisampa PACC sa 12 opisyal ng NHA.

 

Ayon kay PACC Chairman DANTE JIMENEZ, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na sa Eastern Samar, nasa 36 housing units lang ang naipamahagi pero sa kontrata nito sa J.C Tayag Builders na nagkakahalaga ng 741.53 million pesos, 2,559 na units dapat na i-award na unit para sa mga biktima ng bagyo.


 

Halos anim na taon aniya ang nakalipas mula ng manalasa ang supertyphoon Yolanda, pero hanggang ngayon ay wala pa ring natatapos na proyekto, lalo na ang mga pabahay para sa mga survivor na nawalan ng tirahan.

 

Hiling ng PACC sa ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon at kasuhan ang labing dalawang opisyal ng NHA.

Facebook Comments