PACC, tiwalang makakasuhan ang 2 gabinete ni PRRD na sangkot sa katiwalian

Manila, Philippines – Tiwala ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na matibay ang kanilang ebidensya laban sa dalawang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sangkot sa katiwalian.

Sa interview ng RMN Manila kay Chairman Dante Jimenez – naniniwala siyang hindi palalampasin ni Pangulong Duterte ang dalawang opisyal lalo na kapag nakita nito na nasunod ang proseso sa ginawang imbestigasyon.

Sinabi ni Jimenez na ilang buwang imbestigasyon ng PACC ang dalawang kalihim matapos matanggap ang reklamo laban sa mga ito.


Bagamat hindi pinangalanan ni Jimenez ang dalawang cabinet official, sinabi naman niya na kilala o prominente ang mga ito.

Sa ngayon ay hawak na ng Office of the President ang resulta ng imbestigasyon ng PACC laban sa dalawang miyembro ng gabinete kung saan sasailalim sa validation bago dalhin sa Ombudsman.

Bukod sa dalawang cabinet secretary ay mayroon ding undersecretary at assistant secretary ang iniimbestigahan ng PACC kaugnay pa rin sa isyu ng korapsyon.

Facebook Comments