PACC, walang planong imbestigahan si Presidential Spokesperson Salvador Panelo hinggil sa referral letter na ginawa nito para kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez

Naniniwala si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Atty. Manny Luna na walang ginawang mali si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isinumiteng liham sa Board of Pardons and Parole para sa kaso ni dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

 

Ayon kay Luna, maitituring na referral letter lamang daw ang ginawa ni Secretary Panelo at wala silang nakikitang basehan para imbestigahan ito.

 

Sinabi pa ni Luna na lumapit lamang ang anak ni Sanchez kay panelo dahil umano tinaggihan ng board of pardons and parole ang aplikasyon ng kaniyang ama kaya’t gumawa ng sulat ang kalihim.


 

Kaugnay nito, inihayag ni Luna na iimbestigahan nila ang lahat ng namuno sa BuCor simula 2014, maliban kay Sen. Bato Dela Rosa dahil hindi wala silang kapangyarihan para isailalim sa imbestigasyon ang mga nakaupo sa Kongreso at Senado kung saan bahala na daw dito ang Ombudsman.

 

Sa huli, naniniwala si Luna na dapat may managot sa umano’y korapsyon sa pagpapatupad ng GCTA law na pinakinabang hindi lang ng mga tauhan sa BuCor, pati na sa BJMP.

Facebook Comments