Package na naglalaman ng iligal na droga mula sa ibang bansa, naharang ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA sa Pasay City

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group ang isang package na walang deklarasyon na naglalaman ng illegal na droga sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Naaresto naman ang isang babaeng claimant ng nasabing package na kinilalang si Elvira Vicente na nagpakita ng authorization letter mula sa consignee na si Vincent Castillo sa pag-claim ng package na ipinadala mula sa Canada.

Sinasabing ang package ay idineklara bilang personal gifts at clothing pero naglalaman ito ng gummies infused with cannabis at mga vape cartridge na naglalaman ng liquid marijuana na tinatayang nagkakalaga ng higit P80,000.


Ang mga iligal na droga ay natuklasan sa isinagawang physical examination ng mga operatiba sa Central Mail Exchange Center na sinaksihan ng claimant, BOC, at mga kinatawan ng PhilPost.

Ang mga nasamsam na gummies at vape cartridge ay agad itinurn-over sa PDEA chemical laboratory para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments