Pacman, 100 percent nang handa laban kay Australian Boxer Jeff Horn

38

General Santos City – 100 percent nang handa si Senator Manny Pacquiao sa laban nito kay Jeff Horn sa darating na Hulyo 2, 2017 sa Brisbane Australia.

Kinumperma ni Boboy Fernandez, trainor ni Pacman na pagkatapos ng masinsinang training sa loob ng halos isang buwan sa Gensan, handing-handa na si Pacman sa kanyang muling pag-akyat sa boxing ring.

Napag-alaman na lilipad na patungong Australia ang Team Pacquaio sa darating na June 25.

Samantala, iaalay naman ni Pacman ang laban nito sa mga mamamayan ng Marawi City na apektado sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng gobyerno at ng teroristang Maute Group.

Sinabi ni Senator Pacquaio na naaawa siya sa mga naipit sa bakbakan sa nasabing lunsod kung saan ay marami nang namamatay.

Matapos ng laban nito kay Jeff Horn, bibisita si ito sa Marawi City para personal na ihatid ang ikalawang batch na tulong nito sa mamamayan ng Marawi.

Sinaluduhan naman ni Pacman ang mga sundalo ng gobyerno na patuloy na nakipagbakbakan laban sa Maute Group.

Umaasa din ito na sana matapos na ang gyera sa nasabing lugar para maibalik na ang normal ang buhay ng mamamayan ng Marawi.

Facebook Comments