Pacman, nasa bansa na

Nakauwi na ng bansa ang bagong WBA Welterweight champion, fighting Senator Manny Pacquiao.

Dumating ang Pambansang Kamao kaninang madaling araw.

Ayon kay Pacquiao – hindi na siya nakaabot sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sumailalim siya sa treatment bunsod ng kanyang eye injury.


Nagpasalamat naman si Pacman sa mga fans sa kanilang suporta at iniaalay niya ang karangalan na ito para sa bansa at sa bawat Pilipino.

Sa ngayon, handa si Pacquiao na magbalik-trabaho sa Senado ngayong araw.

Facebook Comments