Tikom ang bibig ni World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao sa payo ni top rank promotions Bob Arum sa brain injury na posibleng matamo niya kontra kay undefeated American fighter Keith Thurman.
Ayon kay Pacquiao, hindi siya nababahala sa mga sinabi ni Arum dahil kasama niya ang Diyos sa kanyang laban.
Matatandaang pinayuhan ni Arum si Pacquiao kasabay ng nangyaring brain injury kay Zab Judah na kasing edad lamang ng Pambansang Kamao.
Paliwanag ni Arum, habang tumatanda ang tao ay numinipis ang bungo nito kung saan mas nagiging prone sa brain damage lalo na ang mga boksingero.
Sa kanila nito, patuloy ang paghahanda ni Pacquiao sa kanilang laban ni Thurman sa July 20 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Facebook Comments