Pacman, puspusan na ang training sa Gensan para sa nalalapit na laban

General Santos City – Puspusan na ang ginagawang training sa Gensan ng Filipino Boxing Icon, “Pambansang Kamao” na si Sen. Manny Pacman Pacquaio para sa darating na laban nito sa buwan ng Hulyo laban kay Jeff Horn.

Napag-alaman na mahigit dalawang linggo na na isinailalim sa matinding training si Pacman bilang paghahanda ng nalalapit nitong laban.

Kahapon isinagawa ang 12 round sparring session nito kasama ng piling boksingero na inimbitahan ni coach Freddie roach.


Samantala kaninang umaga, tinakbo ni Pacman ang kahabaan ng Tinoto Maasim patungo sa kanyang pinagmamay-aring beach resort sa nasabing bayan.

June 24 nakatakdang lumipad patulong Australia ang Team Pacquaio para doon ipagpatuloy ang training.
DZXL558

Facebook Comments