Dating asset ng CIDG, pinagbabaril sa Sarangani

General Santos City – Patay sa pamamaril ng riding in tandem ang dating asset ng Criminal Investigation and Detection Team Alabel na si Glen Suico, residente ng Upper Silangan, Barangay Maribulan, Alabel, Sarangani Province, habang ito ay naglalaro ng Villard sa kanilang lugar.

Alas 7:00 ng gabi habang naglalaro si Suico ng Villard ,malapit lang sa kanilang bahay ng biglang dumating ang dalawang lalaki na sakay ng XRM motorcycle na walang plate number.

Parehong nakasuot ng bonnet ang dalawang suspek na dumating, tinanong pa ang pangalan ng biktima bago ito pinagbabaril ng ilang beses bago tumakas.


On the spot patay si Suico dahil sa maraming tama ng baril sa kanyang katawan.

Utang ang isa sa mga anggulong tinututukan ng pulisya sa pamamaril sa biktima dahil na rin sa statement ng asawa nito na marami siyang utang.
DZXL558

Facebook Comments