Pacman, sumabak na sa full training

78

Sumabak na sa full training si People’s Champ Manny Pacquiao sa Los Angeles bago siya tumulak ng Las Vegas para sa laban nito sa American boxer na si Keith Thurman.

Higit 12-kilometro ang itinakbo ni Pacman at nagsagawa pa ng core at abdominal exercises.


Kumasa pa si Manny sa walong rounds ng sparring.

Ayon kay coach Buboy Fernandez – ibang Pacquiao ang kakaharapin ni Thurman kaya huwag dapat ito kukurap.

Light conditioning na lamang ang gagawin ng Pambansang Kamao sa Las Vegas habang papalapit ang araw ng laban sa July 21 (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments

From Advertisers