Pacquaio vs. Horn rematch dapat sa pinas-giit ng kapatid ni Pacman

86

General Santos City—iginiit ni Liza Onding, Kapatid ni Fighting Senator Manny “PACMAN” Pacquaio na kung sakali mang matutuloy ang rematch sa pagitan ng kapatid nito at Australian boxer na si Jeff Horn mas gusto nilang dito ito gagawin sa Pinas itoy para na rin maiwasan na muling dayain ang “Pambansang Kamao”.

Sinabi nito na hindi na dapat payagan pa ng Team Pacquaio na doon gagawin ang laban sa Australia kahit igiit pa ni Horn na doon gagawin ang rematch dahil hindi sigurado kung magiging malinis at walang daya ang magiging desisyon sa laban.

Dagdag pa ni Liza Onding na para sa kanila sapat na ang panradayang ginawa ni Horn sa laban nila ni Pacman noong Hulyo 2, 2017 at kung sakaling hindi papayag nito ang Australian Boxer mas mabuting wala nalang mangyayaring rematch.


Photo Credit to: Team Pacquaio

Facebook Comments