Pacquiao – 100 porsiyento nang handa para sa laban kay Australian boxer Jeff Horn

Manila, Philippines – Fully-conditioned na si Eight World Division Champion Manny Pacquiao para sa laban nito sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Ayon kay Assistant Trainer Buboy Fernandez – 100 porsiyento nang handa si Pacquiao matapos na sumalang sa sampung rounds ng sparring session kasama ang mga boksingerong sina Sonny Katiandagho, George Kambosos at Adrian Young.

Dahil dito ay unti-unti na ring ibinababa ang lebel ng training ng Pinoy boxer.


Sa June 24 na lilipad patungong Australia ang Team Pacquiao mula General Santos City para sa laban nito sa July 2.

Facebook Comments