Maine-based artist, naglibot sa buong mundo para personal na makita ang kanyang facebook friends

Amerika – Alam niyo ba, isang artist mula Maine, USA ang limang taong naglibot sa buong mundo para personal na makita ang 626 na friends niya sa facebook!

Taong 2010 nang magsimulang mag-travel around the world si Tanja Hollander kung saan apat na kontinente ang kanyang napuntahan, 12 mga bansa, 43 US states at tumira sa 400 bahay ng kanyang facebook friends.

Layon ni Hollander sa kanyang paglilibot na malaman kung maituturing pa rin bang kaibigan ang online friends ng isang tao sa social media.


Katunayan, nito lang March 18, nai-feature sa isang documentary show ang kanyang art project na may title na “Are You Really My Friend?” kung saan itinampok ang mga larawan at video footage ng pagbisita niya sa kanyang mga facebook friend.

Facebook Comments