Pacquiao-Horn rematch – tuloy pa rin pero malabo na sa Nobyembre

Sports – Tuloy na tuloy pa rin ang rematch nina Manny Pacquiao at Australian boxer Jeff Horn.

Kinumpirma ito ng fighting senator matapos lumabas ang ulat na umatras na siya sa laban dahil sa kanyang conflict schedule.

Aniya, pinag-uusapan na lang ang magiging venue ng laban na posibleng ganapin dito sa Pilipinas.


Pero sabi ni Pacquiao, totoong hindi nga matuloy sa November ang rematch pero lalarga pa rin ito sa susunod na taon.

Samantala, magdo-donate ang NBA superstar na si James Harden ng isang milyong dolyar para sa mga biktima ng hurricane Harvey.

Limang taon nang naglalaro si harden sa Houston Rockets matapos siyang ma-trade kapalit nina Jeremy Lamb at Kevin Martin noong 2012.

Facebook Comments