Pacquiao, malayang patunayan ang alegasyon ng korapsyon – Roque

55

Malaya si Senator Manny Pacquiao na patunayan ang mga alegasyon ng korapsyon sa pamahalaan.

Ito ang pahayag ng Malacañang sa plano ng senador na maglabas ng ebidensyang may nangyayaring katiwalian sa gobyerno pagkatapos ng kanyang laban sa Amerika.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malayang gawin ni Pacquiao kung ano ang gusto nito bilang bahagi ng demokrasya ng bansa.

“Pabayaan natin si Senator Pacquiao kung ano ang gusto niyang isiwalat. It is a free country,” sabi ni Roque.

Sa ngayon, ipinapaabot ng Palasyo ang good luck kay Pacquiao para sa laban nito kontra Errol Spence Jr. sa August 22.

Facebook Comments