5.2 milyong Pinoy, fully vaccinated na laban sa COVID-19 – Roque

33

Umabot na sa higit 5.2 million Filipinos ang nakumpleto ang kanilang vaccination laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 5,231,469 individuals ang nakakumpleto ng two doses ng COVID-19 vaccines mula nitong July 21.


Aabot naman sa 10,722,442 individuals ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Mula nitong July 22, aabot sa 29,985,130 doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa, kabilang ang 562,770 doses ng Pfizer vaccines.

Matatandaang hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpabakuna laban sa COVID-19 para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng lahat.

Facebook Comments