Tumangging magbigay ng “Fearless Forecast” ang Team Pacquiao hinggil sa mga tanong kung may mangyayaring knockout win sa Pacquiao-Matthysse sa July 15.
Ayon kay Coach Buboy Fernandez – ginagawa nila ang lahat para maikondisyong mabuti si Manny Pacquiao at manalo laban sa Argentine boxer.
Una nang ipinagyabang ng Pinoy coach ang inihahanda nilang pamatay suntok para kay Matthysse.
Samantala, “Full-Force” ang lahat ng mga konsehal ng General Santos City para suportahan sa kanyang laban si Pacquiao.
Katunayan, kasama silang lahat sa magiging entourage ng fighting senator na lilipad papuntang Kuala Lumpur, Malaysia sa July 9.
Facebook Comments