SAWI | Drug suspect – patay sa buy bust operation sa Laguna

Laguna – Patay ang isang drug suspect sa buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna.

Ayon sa pulisya, nanlaban ang suspek na si Gary Castillo dahilan para paputukan nila ito.

Naisugod pa sa ospital si Castillo pero idineklara ring dead-on-arrival.


Narekober sa lugar ang isang kalibre 37 baril at siyam na pakete ng shabu.

Facebook Comments