Pacquiao, may ayuda rin sa alagang hayop

Bukod sa bultong tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette, naglaan din si Presidential Aspirant Senator Manny Pacquiao ng pagkain para sa mga alagang hayop.

Ito ay 20 bags ng 20-kilong dog food at iba pang relief goods na donasyon ng Philippine Pet Birth Control na dadalhin ng grupo ni Pacquiao sa Siargao Island.

Bukod sa pet food, nakatakda ring ilipad sa Siargao sa tulong ng Wings of Hope PH at Philippines Airlines, ang mga gamot, tubig at iba’t ibang food packs.


Kasama naman sa dadalhin ng Cebu Pacific Air ang dagdag na 10 bags ng 20-kilong pet foods na donasyon naman ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA), tatlong toneladang tubig, at gamot patungo sa Bohol.

Inorganisa ang Wings of Hope para tumulong sa nasalanta ng bagyo at nakipag-partner ito sa Manny Pacquiao Foundation and United Relief Operation, Cebu Pacific, Philippine Airlines at Tzu Chi Philippines.

Kilalang dog lover din si Pacquiao at sa katunayan, ang kaniyang Jack Russel terrier ay palagi nitong kasama sa training sa loob ng 14 na taon hanggang sa mamatay ito noong nakaraang taon.

Ayon kay Pacquiao, dapat lamang bigyan din ng tulong ang mga alagang hayop bukod sa mga biktima ng bagyo.

Facebook Comments