Pacquiao, wagi sa WBA Welterweight championship laban kay Broner via unanimous decision

Las Vegas – Bigo ang American boxer na si Adrien “The Problem” Broner na maagaw ang WBA Welterweight Belt mula kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Ito ay matapos na madepensahan ng Pinoy ring icon ang kanyang titulo via unanimous decision.

Sa 7th round pa lang ng laban, pinatikim na ni Pacquiao ng kanyang trademark na left straight hook punch si Broner.


Natapos ang laban ng dalawa sa loob ng 12 rounds.

Sa panayam pagkatapos ng laban, sinabi ni Pacquiao na patunay ito na hindi pa patay ang karera niya sa boxing sa kabila ng kanyang edad.

Nang tanungin naman kung handa siyang makalaban muli si Floyd Mayweather Jr, handa raw siya kung magdedesisyon ang undefeated boxer na bumalik sa ring.

No comment naman dito si Mayweather na live din na nanood ng laban nina Pacquiao at Broner sa MGM Grand sa Las Vegas.

Mistulang hindi naman matanggap ni Broner ang naging desisyon ng laban at iginiit na natalo niya si Pacquiao.

Facebook Comments