PADADALIIN | Panibagong consular office ng DFA, bubuksan ngayong araw sa Eastern Visayas

Manila, Philippines – Maseserbisyuhan na simula ngayong araw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasa higit 4 na milyong indibidwal mula sa Eastern Visayas.

Ito ay kasunod ng inauguration ng bagong regional office ng ahensya sa Tacloban city mamayang tanghali.

Nabatid na ang DFA Tacloban ay isa sa 3 consular offices na bubuksan ngayong taon kabilang na ang DFA San Nicolas sa Ilocos Norte at DFA Santiago, Isabela.


Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca layon ng bago nilang tanggapan na maserbisyuhan ang sambayang Filipino kasunod narin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan ng convenient at comfortable passport application experience ang publiko.

Ang bagong tanggapan ng DFA ay bukas para paglingkuran ang mga residente ng Biliran, Leyte, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, Ormoc at Tacloban.

Bukas ito mula Lunes hanggang Sabado.

Facebook Comments