PADATING NA | Panibagong batch ng mga OFW, galing Kuwait balik ‘Pinas ngayong araw

40

Manila, Philippines – Dadating sa bansa ngayong araw ang 300 Overseas Filipino Workers galing Kuwait.

Sakay ang nasa 150 OFWs ng Etihad Airways flight EY 424 at nakatakdang lumapag sa NAIA Terminal 1 alas tres y medya mamayang hapon.

Habang ang pangalawang batch ng mga OFW na nasa 150 ay dadating din sa bansa mamayang alas dies kwarenta ng gabi at sakay ang mga ito ng flight Qatar airways flight 928 at nakatakda ding lumapag sa NAIA Terminal 1.

Sasalubungin ang mga uuwing OFW ng Overseas Workers Welfare Administration repatriation team.

Sunod-sunod na ang pagbalik bansa ng mga OFW sa Kuwait dahil na rin sa Amnesty program na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Ang mga ito ay pagkakalooban ng P5000 cash assistance at bibigyan din sila ng maliit na panimula para sa kanilang kabuhayan dito sa Pilipinas.

Facebook Comments