Dalawa patay sa pag-atake sa NATO mission convoy sa Afghanistan

World – Nasa dalawa ang patay sa nangyaring pag-atake sa isang North Atlantic Treaty Organization (NATO) mission convoy sa Afghanistan.

Ayon kay Pentagon Spokesman, US Navy Captain Jeff Davis – killed-in-action ang dalawang miyembro ng US service.

Layon ng NATO mission convoy na maghatid ng pagsasanay sa mga Afghan military at police.


Sa ngayon, gumagawa na ng istratehiya ang Amerika para maresolba ang kaguluhan sa naturang bansa.

Inaalam pa kung sino ang nasa likod ng insidente.

Facebook Comments