Padyak Driver timbog sa pagbebenta ng shabu sa San Fabian, Pangasinan

25

Timbog ang 39-anyos na padyak driver sa Barangay Tempra Guilig,San Fabian Pangasinan sa ikinasang buy bust operation ng awtoridad. Kinilala ang suspek na si Ramil Narag, residente ng PNR Site ng nasabing bayan. Sa report ng pulisya, naaktuhang nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang suspek sa poseur buyer ng awtoridad. Nakuha din dito ang marked money na ginamit sa pakikipag transaksyon. Kinasuhan na ang suspek ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ###

Facebook Comments

From Advertisers