Sec. Guevarra, dumistansya sa panawagang pagpapa-resign kay Faeldon

Manila, Philippines – Dumistansya si Justice Secretary Menardo Guevarra sa kapalaran ni Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon.

Sinabi ni Guevarra na sa kanyang pananaw ay karapatan ni Faeldon kung nais nitong magbitiw o manatili sa pwesto.

Naniniwala si Guevarra na alam naman ni Faeldon kung ano ang nararapat at kung paano idedepensa ang kanyang sarili sa kontrobersyang kinasasangkutan nito.


Una rito ay umani ang panawagang pagpapa-resign kay Faeldon matapos ang naunsyaming pagpapalaya nito kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Facebook Comments