Padyak ng kababaihan para sa Kalikasan, isinagawa sa QC

Photo Courtesy: Quezon City Hall Precinct Kamuning Facebook Page

Daan-daang kababaihan ang lumahok sa isinagawang bike ride event sa Quezon City ngayong umaga.

Mula sa Quezon City Hall, sabay-sabay na pumadyak ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor at ahensya ng pamahalaan sa iba’t ibang pangunahing lansangan sa lungsod.

Bawat mga kalahok ay pinagbitbit ng walong PET bottles para magamit sa pag-recycle.


Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layon ng aktibidad na ito na tinawag na “Padyak ng mga kababaihan para sa kapaligiran” na ipagdiwang ang International Women’s Month at manawagan sa pagsagip kalikasan.

Paliwanag ni Mayor Belmonte, ang mga kababaihan ang isa sa mga vulnerable o lubhang naapektuhan sa Climate Change kaya mahalaga ang kanilang pakililahok sa mga ganitong uri ng aktibidad.

Bukod sa mga biker ay lumahok din sa mga aktibidad ang ilang mga kababaihang PWD gamit ang kanilang wheelchairs.

Kasabay rin nito ang komemorasyon sa Earth Hour kung saan ang Lokal na pamahalaan ng Quezon City ang magsisilbing host ng programa na gaganapin sa Quezon Memorial Circle mamayang 8:30pm.

Facebook Comments