PADYAK PARA SA KAPAYAPAAN, ISINAGAWA SA LINGAYEN

LINGAYEN, PANGASINAN – Aabot sa mahigit isang daang bikers ang lumahok sa isinagawang Padyak para sa Kapayapaan sa Lingayen Pangasinan.

Ang naturang aktibidad ay pagsuporta sa National Task Force To End Local Communist Armed Conflict kontra CPP-NPA.

Lumahok sa programa ang ibat-ibang grupo gaya na lamang ng Metro Dagupan Cycling Club Inc.Calasiao Bikers Association, at Alaminos Bike Club.


Sa mensahe ni Police Provincial Director PCOL Ronald Gayo, mariin nilang kinokondena ang pagpatay maging ang ibang krimen na gawa ng mga rebeldeng grupo at makakaasa umano ang publiko sa suporta at programa upang mawakasan ang insurhensya.

Samantala, ang Padyak para sa Kapayapaan ay paggunit din sa ika-40 araw ng pagpanaw ni Keith Absalon at ang pinsan nitong si Nolven na pinagbabaril at nasabugan ng landmine ng NPA.

Facebook Comments