PAF, nagbigay pugay sa mga nasawing airmen sa pagbagsak ng chopper sa Bukidnon

Nagbigay ng military honors ang Philippine Air Force (PAF) sa apat na airmen na namatay matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter sa Impasug-ong, Bukidnon.

Ang mga labi nina Lieutenant Colonel Arnie Arroyo, pilot ng bumagsak na UH-1H Huey helicopter; 2nd Lieutenant Mark Anthony Caabay, co-pilot; Staff Sergeant Mervin Bersabi, gunner at crew chief; at si Airman 1st Class Stephen Agarrado, gunner; ay idinala sa pamamagitan ng C-295 aircraft mula Lumbia, Cagayan de Oro City patungong Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu.

Si Major General Florante Amano, Air Force Vice Commander ang nanguna sa military honors at nagbigay sa kanyang final salute.


Matapos ang maikling seremonya, nagkaroon ng Banal na Misa.

Ang iba pang nasawi sa aksidente ay sina Army Sergeant Julius Salvador at CAFGU Active Auxiliary (CAA) members Jerry Ayukdo and Jhamel Sugalang.

Ang mga katawan nina Salvador, Ayukdo at Sugalang ay idinala na sa mga kani-kanilang hometowns sa Bukidnon at Agusan del Sur.

Nabatid na maghahatid lang sana ang team ng supplies sa patrol base sa 8th Infantry Battalion nang magkaroon ng engine trouble ang kanilang helicopter at bumulusok hanggang sa bumagsak sa Barangay Bulonay.

Facebook Comments