
Nagdala ng panibagong batch ng mga relief item ang Philippine Air Force (PAF) para sa mga naapektuhan ng tumamang lindol sa Cebu City.
Gamit ang C-130 aircraft mula sa Villamor Airbase sa Pasay City, hinatid ang mga nasabing relief items papuntang Brigadier General Benito n Ebuen Air Base sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Lulan ng nasabing mga cargo ang walong sako ng mga picnic tent, sampung sako ng mga kumot, at 60 na mga kahon ng mga tent material para sa mga komunidad na naapektuhan ng nasabing lindol.
Tiniyak naman ng ahensya na tuloy-tuloy ang kanilang pagtulong para mapabilis ang pagdadala ng mga esensyal na suplay sa mga nasalantang lugar sa bansa.
Facebook Comments









