Walang dapat ikabahala ang publiko.
Ito ang tugon ng Philippine Air Force makaraang makita sa himpapawid ang ilang US aircraft sa bansa.
Ayon kay PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, ang mga aircraft na ito ay bahagi ng Cope Thunder 2 exercise.
Paliwanag pa ni Castillo na lahat ng US aircraft ay mayroong diplomatic clearance mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Reaksyon ito ng opisyal sa naging pahayag ni Senator Imee Marcos na nagsusulong ng imbestigasyon sa umano’y unadvised landing ng isang US military aircraft sa Maynila noong June 26.
Ang Cope Thunder ay isang joint exercise sa pagitan ng US Air Force at Philippine Air Force.
Layon nitong magsagawa ng air to air operations na magbibigay oportunidad sa 2 bansa na paghusayin pa ang kanilang kapasidad at kahandaan saka sakali mang magkaroon ng threat sa rehiyon.