PAF, nilinaw na maaaring gamitin ng pangulo ang executive jet

Maaaring gamitin ng pangulo ng bansa saan man ang kanyang destinasyon ang Gulfstream G280 executive jet.

Paliwanag ni Philippine Air Force (PAF) Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo ang Gulfstream G280 executive jet ay isang command and control aircraft na nagpapahintulot sa pangulo na gampanan ang kanyang tungkulin bilang commander in chief habang nasa himpapawid.

Aniya, saan mang bansa magpunta ang pangulo, mapa-state function man o iba pang gampanin ang kanyang gagawin ay maaari nya itong gamitin.


Paliwanag pa ni Col. Castillo na mandato ng 250th airlift wing na pagkalooban ng ligtas na air transportation ang pangulo saan man ang kanyang destinasyon.

Kaya lahat aniya ng air assets ng 250th airlift wing, kabilang ang Gulfstream G280 jet ay dedicated sa pangulo at unang pamilya.

Ang nasabing pahayag ay makaraang kwestyunin ng kanyang mga kritiko si Pangulong Bongbong Marcos, dahil ginamit nito ang naturang eroplano ng pamahalaan papuntang Singapore noong weekend para manood ng Formula One Grand Prix.

Facebook Comments