10 TAXI UNITS, ILULUNSAD SA CITY OF ILAGAN

Karagdagang sampung taxi units ang babiyahe sa City of Ilagan ang inaasahang ilulunsad sa susunod na Linggo.

Pangungunahan ni LTFRB Regional Director Edward L. Cabase ang paglulunsad ng mga taxi units sa Oktubre 14, 2022 na gaganapin sa City Hotel, Ilagan.

Ang naturang mga taxi units ay karagdagan lamang sa 11 taxi units na unang inilunsad noong buwan ng Mayo.

Nasa kabuuang 21 units na bilang ng taxi units na pagmamay-ari ng Ilagan Public Utility Transport Cooperative na bumabiyahe sa rehiyon dos.
Ang aktibidad ay sa ilalim ng Public Utility Modernization Program ng pamahalaan.

Ayon sa LTFRB R2, ang program ay naglalayong magbigay ng mahusay, moderno, komportable at ligtas na pampublikong transportasyon sa bansa.

Layunin din nito na tiyakin ang kapakanan ng mga tsuper at operator na magkaroon ng regular, sapat at marangal na kabuhayan habang tinitiyak na ligtas at komportableng makakarating ang mga pasahero sa kani-kanilang destinasyon.

Facebook Comments