Itinanggi ng Philippine Air Force (PAF) ang mga espekulasyon na nagkaroon ng overloading ng mga pasahero sa kanilang C-130 plane kaya ito bumagsak bago lumapag sa Jolo port sa Sulu.
Ayon kay PAF Spokesperson Lieutenant Colonel Maynard Mariano, pasok ang C-130 sa operational limits at capacity nang umalis ito sa Laguindingan Airport sakay ang 96 na pasahero.
Ang maximum capacity nito ay nasa 120 pasahero, taliwas sa mga haka-haka na overloaded ito.
Pinabulaanan din ni Mariano na nagkaroon ng foul play sa nangyaring plane crash.
Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng 220th Airlift Wing Aircraft Accident Investigation Board ang nangyaring crash.
Pagtitiyak ng PAF na ibibigay sa pamilya ng mga biktima ang kanilang benepisyo at tulong.
Facebook Comments