PAF, patuloy sa pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa pagbagsak ng kanilang eroplano sa Bataan!

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine Air Force (PAF) katuwang ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa pagbagsak ng SIAI-Marchetti SF260 fixed wing aircraft sa bahagi ng Sitio Tabon, Barangay Del Rosario sa Pilar Bataan.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, kanilang aalamin ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng naturang eroplano na naging dahilan ng pagkasawi ng dalawa nilang piloto.

Samanatala, sinabi rin ni Castillo na lubos na ikinalulungkot ng buong hukbong himpapawid ang nangyaring insidente.


Kasabay ng pagtitiyak na magpapatuloy sila sa pagtupad sa kanilang tungkuling pagbibigay serbisyo sa bansa.

Base sa inisyal na ulat ng Pilar Municipal Police Station, bandang alas-10:40 ng umaga naganap ang insidente kung saan ayon sa mga nakakita, mabilis ang pagbagsak ng eroplano sa bukirin ng Sitio Tabon, Baranggay Del Rosario, sa Pilar, Bataan.

Facebook Comments