Pinoy, sugatan matapos mabaril ng nag-arestong pulis sa Hong Kong

Isang Pinoy sa Hong Kong ang nabaril ng mga awtoridad doon matapos na manlaban sa pulis na umaaresto sa kanila.

Nabatid na unang nagresponde ang Hong Kong Police matapos na mag-report ang kapitbahay ng mga Pinoy sa ingay ng mga ito.

Gayunman, sa halip na sumuko nang maayos ay nanlaban pa ang Pinoy at sinaktan ang arresting officers kaya siya pinaputukan ng mga ito matapos na hindi pa rin tumigil sa pananakit sa kabila ng verbal warning sa kaniya.


Ang hindi pinangalanang Pilipino ay nagtamo ng tama ng bala sa kamay at sa dibdib.

Agad naman itong isinakay sa helicopter at isinugod sa ospital.

Dalawa ring Hong Kong police ang nasugatan sa insidente at isinugod sa pamagutan.



Isa pang kapwa Pinoy ang naaresto rin kasama ang anim na iba pa na hindi binanggit ang nationalities.

Facebook Comments