PAF, tukoy na ang general area kung saan posibleng matagpuan ang missing fighter jet

Mayroon nang ‘general area’ na tinututukan ang Philippine Air Force (PAF) kung saan posibleng matagpuan ang nawawala nitong FA-50 Fighter Aircraft.

Bagama’t hindi na tinukoy pa ni PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo ang espesipikong lugar sinabi nitong gumagana pa hanggang kahapon ang signal ng personal locator beacons ng mga piloto.

Ayon kay Castillo, patuloy na tinutumbok ng ground rescuers ang lokasyon ng naturang signal na ini-emit ng locator beacons.

Kahapon, inamin ng Philippine Army na nagpasaklolo sila ng air support para sa isang operasyon kontra mga hinihinalang communist-terrorist group sa area ng Bukidnon pero hindi nila batid kung anong asset ang ipinadala ng Hukbong Himpapawid.

Ang fighter jet ay nawala sa kasagsagan ng tactical night operation kahapon ng madaling araw.

Facebook Comments