Nilinaw ng Philippine Association of Flour Millers Inc. o PAFMIL na ang pagtaas ng presyo ng tinapay ay dahil sa mataas na presyo ng sangkap at hindi dahil sa kakulangan sa harina.
Binigyan diin ni PAFMIL Executive Director Ricardo Pinca na walang shortage sa suplay ng harina sa bansa.
Aniya, ang mga panaderya ang magiging dehado kung hindi nila maisasaayos ang mga presyo ng tinapay base sa tumataas na halaga ng produksyon.
Ayon pa kay Pinca, na kahit na patuloy na may problema sa wheat exports sa Russia at Ukraine ay hindi ito direktang makakaapekto sa bansa dahil tatlong pangunahing pinagkukunan ng wheat na kinabibilangan ng United States, Canada at Australia.
Facebook Comments