PAG-AALAGA NG BUBUYOG SA MGA KABAHAYAN SA ISANG BAYAN SA LA UNION, ISINUSULONG

Isinusulong ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang pag-aalaga ng bubuyog o beekeeping sa mga bakuran ng mga residente bilang karagdagang kabuhayan.

Sa pamamagitan ng mga skills training, tinitiyak na natuturuan ang mga residente sa tamang pag-aalaga ng bubuyog at produksyon ng honey.

Tuwing Abril hanggang Mayo ang harvest season ng honey sa lowland areas habang Disyembre hanggang Pebrero naman inililipat ang mga bubuyog sa Benguet kasabay ng pamumukadkad ng mga bulaklak.

Matatandaan na inilunsad noong 2011 ang beekeeping sa bayan bilang karagdagang kita ng mga residente bukod sa tobacco farming. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments