Pag-aalaga ng manok, susubukan ng DA sa mga taga-Quezon City

Matapos ang pamimigay ng gulay, mga manok naman ang inaatupag ng Department of Agriculture (DA) para ipamahagi sa mga residente ng Quezon City.

Lumagda na sa Memorandum of Agreement si DA Assistant Secretary for Livestock William Medrano para sa Integrated Urban Gardens sa ilalim ng Plant, Plant, Plant Urban Agriculture Program.

Limang barangay sa District II ng Quezon City ang nakatanggap ng starter kits mula sa DA.


Kabilang dito ang Holy Spirit, Batasan Hills, Bagong Silangan, Commonwealth at Payatas.

Ang pagsasanay ay pangungunahan ng DA Agricultural Training Institute habang ang mga alagaing manok ay manggagaling naman sa DA Bureau of Animal Industry.

Layunin ng Urban Agriculture Program na masiguro ang sapat at masustansyang pagkain para sa mga pamilyang Pilipino lalo na ngayong panahon ng COVID-19 crisis.

Facebook Comments