Pag-aalaga sa isang Bata sa ilalim ng ‘Foster Care’, Ipinapanawagan ng DSWD

Cauayan City, Isabela- Hinihimok ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field office 2 sa ilalim ng Alternative Family Care Program and Services ang ilang mga mag-asawa na tangkilikin ang ‘foster care’ kung nais ang pagkakaroon ng anak.

Ayon kay Ma. Sheila Karen Torres, focal person ng foster care, kanyang inihalimbawa ang kaibahan ng foster care at adoption, sa foster care ay ang tinatawag na ‘temporary in nature’ habang permanente naman ang pag-aampon sa isang bata.

Aniya, tatlong (3) taon lang ang validity ng pagpofoster parent subalit maaari naman itong mai-renew depende sa magiging assessment ng ahensya pagkaraan ng tatlong taon.


Ilan sa ikinokonsiderang foster child ay ang inabandona, neglected, biktima ng pang-aabuso, children in conflict with the law, special needs gaya ng may kondisyon na ‘cerebral palsy’ at disruptive.

Habang sa foster parent, dapat nasa legal na edad, physically fit, non-related to child at may good moral character.

Sinabi pa ni Torres, ilan sa mga pagkakaroon ng benepisyo sa pagitan ng foster parent at child ay ang pagkakaroon proteksyon sa bata habang sa isang magulang naman ay parental legality.

Panawagan ngayon ng ahensya sa publiko para sa mga nag-aalaga ng bata na hindi kaano-ano o walang sapat na basehan ng legalidad na mangyaring irehistro ang kanilang ginagawang pag-aalaga para maiwasan ang hindi inaasahang sitwasyon.

Giit pa nito, maaari namang hindi na irehistro ang isang bata kung ang sitwasyon ay inaalagaan ang anak ng isang miyembro ng pamilya at may magandang relasyon sa isa’t isa.

Patuloy naman ang pagsasagawa ng virtual assessment sa mga nais maging foster parent at kailangan lang na makipag-ugnayan sa ahensya.

Facebook Comments