PAG-AALALA NG ILANG MGA TRICYCLE DRIVERS SA DAGUPAN CITY KAUGNAY SA ILANG EPEKTO NG NARARANASANG PAGBAHA,IPINAHAYAG

Ipinahayag ng ilang mga tricycle drivers sa lungsod ng Dagupan ang ilan sa kanilang mga pag-aalala kaugnay sa nararanasang high tide season.
Isa sa mga ito ang hindi umano maiiwasang pagsuong sa baha sa tuwing pumasada ng kanilang pampasaherong mga sasakyan dahil kung hindi naman sila magtatrabahao ay wala rin umano kikitain.
Nabanggit ang kamalayan sa naturang sakit na Leptospirosis, sa naging panayam ng IFM Dagupan sa mga ito. Isa ang ganitong uri na maaaring makuha ng mga ito sa mga panahon ng pagbaha lalo na kung marumi ang tubig bunsod ng seryosong impeksiyong sanhi ng bakteryang nagmumula sa ihi ng mga hayop na katulad ng mga daga.

Bagamat ang iba ay walang magawa, sinisiguro naman umano nilang walang sugat ang kanilang mga paa. Dahilan ito ng biglang paglamig o paghuhugas ng kamay na gumamit ng malamig na tubig at biglang nainitan ang katawan.
Isa pa sa nabanggit ang sakit na pasma. Ang malamig at mainit na temperatura dahilan sa tuwing sila ay nanggagaling sa init at susuong sa malamig na tubig baha.
Nabanggit din ang problema mismo sa pinapasadang tricycle tulad ng kadenang parte nito dahil nga maalat ang tubig, prone ito sa pagkalawang na dadagdag sa maintenance ng kanilang sasakyan.
Anila, tuloy pa rin ang pamamasada dahil kung wala ito ay wala ring makikitang pera na maiuuwi sa kani-kanilang mga pamilya. |ifmnews
Facebook Comments