Philippine Red Cross at RMN Foundation, magsasagawa ng Dugtong Buhay Caravan 2023 sa lungsod ng Mandaluyong ngayong araw

Magsasagawa ang Philippine Red Cross katuwang ang RMN Foundation ng Dugtong Buhay Caravan 2023 ngayong araw, June 14, 2023 sa EDSA corner Boni Avenue, Mandaluyong City.

Magsisimula ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon ang bloodletting program kung saan pwede nang magpunta ang lahat ng mga nais mag-donate ng kanilang dugo.

Samantala, bukas para sa lahat ang Dugtong Buhay Caravan 2023 kaya sa mga nais magpunta siguruhin lamang na kayo ay may sapat na tulog at hindi nakainom ng alak bago mag-donate ng dugo.


Facebook Comments