Pag-aalis ng floating barrier sa Bajo de Masinloc, dinepensahan ni PBBM

Courtesy: Philippine Coast Guard

Dinepensahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtatanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa floating barrier na inilatag ng China sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

Giit ng pangulo, hindi naghahanap ng gulo ang Pilipinas.

Pero patuloy aniyang ipagtatanggol at poprotektahan ng bansa ang maritime territory nito maging ang karapatan ng mga Pilipino na makapangisda sa West Philippine Sea.


Matatandaang si Pangulong Marcos mismo ang nag-utos sa PCG na putulin at alisin ang harang sa bahura.

Tiniyak naman ng PCG na sakaling maglagay ulit ang China ng floating barrier sa lugar ay aalisin ulit ito ng Pilipinas.

Facebook Comments